"Khim, kumusta si Fier Yan?" tanong ni Soong sa kapwa dragon. "Nawala na lahat ang lason sa katawan niya. Ngunit hindi iyan ang problema natin ngayon," tugon nito. "Ha? Anong ibig mong sabihin? Dalawang buwan na siya rito sa kaharian natin kaya't nasaksihan na natin ang improvement sa kalagayan niya. Ano ang problema natin ngayon?" maang niyang tanong. "May malakas na puwera sa katauhan niya, Soong. Buhay na buhay ang puwersang iyon. Kaya kako malaki ang problema natin dahil nandito siya sa kaharian nating mg dragon." Lumingon si Khim sa babaeng nasa higaan. Ligtas na ito sa kapahamakan. Ginawa nila ang lahat upang mailigtas ito at laking pasasalamat nila dahil napagtagumpayan nila ang bagay na iyon. Iyon nga lang ay may buhay sa sinapupunan nito. And yes! Fier Yan is carrying a child.

