"Ha?! Anong sinabi mo, Elijah?!" malakas na tanong ni Magdalene dahil sa pagkagulat. "Eh si Mommy naman eh. Kaya ko nga itinaon na umakyat na ang mag-ama tapos makasigaw ka wagas." Nakangiwi ay napakamot sa ulo ang binata. "Hindi mo naman siguro masisisi ang Mommy ninyo anak. Kailan pa sila dumating?" tanong naman ng padre de-pamilya. "Kung dito sa Bontoc ay maaring kaninang umaga lamang din. Kasi iniwan ko sa restaurant ang nobya ko dahil sabi niya ay nais niyang makita ang pagluluto nila. Ngunit bago magtanghalian kanina ay pinuntahan niya ako sa gymnasium. Sabi pa niya ay may buntis na naghahanap sa akin. Sa pagtataka ko kung sino ang naghahanap sa akin na buntis ay agad kaming bumalik sa restaurant. At ganoon na lamang ang gulat ko nang napagsino ko Kung sino ito. It's Fier Yan," pa

