"Kumusta ang kapatid mo, anak?" tanong ni Fier Yan sa panganay anak. "Nandoon pa rin po sa bathtub, Mama. Nakababad pa roon," tugon nito. Sa narinig ay napabuntunghinga si James Deen. Nauunawaan na niya ang lahat. May epekto rin ang paggamit ng anak niyangmay kapangyarihan ng dragon. Napaso ang asawa nito noong baby pa ito samantalang nasunog ang nagtakhang hahablot sa kanilang mag-ina. Ibig sabihin ay mahina pa dahil sanggol pa ito. Subalit sa ikalawang beses ay nangyari iyon sa anak nila. Nagbabad sa tubig, ibig sabihin ay mainit talaga ang katawan. "Ano ang sabi niya, anak? Wala pa rin bang ipinagbago ang nararamdaman niya? Mainit pa rin daw ba?" tanong niya. "Kapag nasa bathtub po siya ay hindi iyon nagsasalita, Papa. Nandoon lamang po. Pero natatakot akong baka naman po polmonya a

