"Bakit daw nag-long distance si Ate Angela? May problema ba atin?" salubong na tanong ni Magdalene sa asawa. "It hits me to the bones, Hon. Sa tanong mo kung may nangyari ay mayroon talaga. Sabay na nadala sa pagamutan ang mag-asawa. Fier Yan gave birth their second child and at the same time James Deen collapsed. Sa pahayag ni Ate Angela ay may tendency na mabulag si James," pahayag ni Greg. "Ha? Anong nangyari? Bakit siya mabubulag? Ikaw na lalaki ka ay ayus-ayusin mo ang pagbabalita mo kung ayaw mong samain sa akin!" Siya ang nagtanong ngunit siya pa ang nagalit. Paano siya hindi magagalit kung hindi naman kapani-paniwala ang ibinalita nito? May tendency daw na mabubulag ang bunso niyang anak? Aba'y bakit daw? Sa anong dahilan ito mabubulag? "Honey, hindi ako nagbibiro. Ano sa palag

