Dinig na dinig niya ang matinis na tili ng kaniyang anak. Para sa tulad niyang aware sa kalagayan nito ay alam na niya kung ano ang ibig sabihin nang pagtili nito. Kitang-kita niya pa niya ang paghablot nito sa fresh roses. Ibinuka ang palad na may hawak sa matinik na rosas. "Go to the cheater! Go to the cheater! There is a cheater!" matinis nitong sabi. Kaya naman bago pa gumalaw ang mga tinik sa palad nito ay humarang na siya. Hindi iyon maaari. Mapapahamak ang anak niya kapag malaman ng mga taong bayan. "No! Baby, don't do that! Khemkaeng, no!" sigaw niya. Kaso! Mukhang kahit sa panaginip niya ay dinadalaw siya ng kaniyang anak. Kasabay nang pagsigaw at pagtawag niya rito ay napabalikwas siya. Kaso ang dilim! Wala siyang makita! Nasaan ang mga tao? Ang huli niyang natatandaan ay na

