Dahan-dahan ang naging paglakad ni Mr. Stranger papalapit sa akin. Feeling ko nag-slow motion ang lahat habang papalapit siya sa akin, nakatitig pa siya sa mata ko kaya naiilang ako dahil baka may muta ako! Waaah! Major turn off kung meron!
At tsaka teka nga, paano niya nalaman ang bahay ko? Kanina pa ba siya andito?
Nanlaki ang mata ko nang mabilis niya akong dinampian ng halik sa aking labi bago pinadulas ang kamay sa aking bewang. Nanatili akong tuod dahil sa ginawa niya, naghu-huramentado ang aking puso. At the same time, kinikilig ako hihi.
"What do you need from my fiancé?" malamig na tanong nito sa aking pamilya.
Pinasadahan ko ng tingin si Maddy dahil bumitaw siya sa pagkaka-hawak kay Dandreb at umayos ng tayo bago ngumiti ng nang-aakit. Malandi nga naman talaga!
"Mr. Jarvis Foster, I didn't expect to see you here," malanding sabi ni Maddy.
Gosh! Jarvis Foster? Ang pogi ng pangalan niya! Parang siya lang. Tumikhim ako kaya napunta sa akin ang atensyon ni Maddy.
"Oh? Andiyan ka pa pala?" maarteng tanong nito.
Pasalamat siya at buntis ako, kung hindi nahila ko na ang buhok niya at kakalmut-kalmutin kong siyang malandi siya! Naiirita ako sa pagmumukha niya sa totoo lang.
"Kanina pa, kausap mo pa nga ako diba?Palibhasa kasi nakakita ka lang ng pogi umaatake na naman 'yang kalandian mo. Sabagay, san ka nga ba magmamana?" sabi ko sabay tingin kay Sandy.
"Really? How 'bout you? Hindi ka ba malandi? Higit sa lahat, buntis ka pa," gigil na sabi niya.
Tumawa ako ng sarkastiko at tinignan si Dandreb, nakatingin siya kay Maddy. How poor, ipinagpapalit agad.
"Oh? Is there anything wrong if I'm pregnant? Hindi tulad mo, nagpabuntis sa sariling kapatid! Wala na bang kumakamot sa kati mo kaya pati kapatid mo pinatulan mo. Higit sa lahat nagpabuntis ka pa. Shame on you Maddy. Shame on you!" nakangising sabi ko.
Namutla ito pero pilit na hindi ipinapakita ang takot niya, tinaasan ako nito ng kilay at humalukipkip pa.
"Are you sure that I'm pregnant? Kakatapos ko lang this week, my dear sister," maarteng sabi nito.
Halos masuka naman ako dahil sa pag-tawag niya ng my dear sister, like ew!
"You look pale. Are you okay, my slut sister?" nakangising sabi ko.
Sinamaan ako nito ng tingin at akmang lalapit sa akin ng humarang si Jarvis sa harap ko. "I already warned you, right?" malamig na sabi niya.
Umatras naman siya at tumabi uli kay Dandreb.
"Ano? Scared?" tanong ko.
Umirap siya sa akin bago lumabas ng aking apartment. Sumunod naman sa kaniya si Dandreb at sila Sandy.
May tumikhim sa tagiliran ko kaya napatingin ako dun, nanlaki ang mata ko ng naalalang andun pa nga pala si Jarvis Foster.
"U-uh, sorry nga pala kanina. Ano nga palang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?" nagtatakang tanong ko.
Binigyan niya ako ng malamig na tingin at pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko. Nag-stop ang mata niya sa kamay ko kaya tinignan ko iyon. Agad na tumambol ang puso ko at napa-lunok dahil nakita niya ang pregnancy test na hawak ko. Sht!
"So? It's true, you're pregnant with my child?" malamig na tanong niya.
Kumurap-kurap ako bago tumango, ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Kainis! Para akong teenager na sinulyapan ng crush kaya namumula ang pisngi.
"You're going with me, no buts." Anito sa malamig na tono.
Base palang sa kilos at pagsasalita niya ay alam na agad ng lahat na ng mayaman siya. Napaka-bossy din niya mag-salita at ako itong parang tuta na sumusunod lang sa kaniya.
Lumabas na siya sa pintuan ng apartment ko kaya nagtitili ako dahil sa kilig, sinapo ko din ang namumula kong pisngi. Waaaaah! Kinikilig ako!
"Are you crazy?"
Napaayos ako ng postura ng dahil narinig ko uli ang boses ni Jarvis. Natural, malamig at baritono. Humarap ako sa pintuan at taka siyang tinignan, ano pang ginagawa niya diyan?
"I told you that you're going with me right?" kunot-noong sabi nito.
Tumango ako at ngumuso, "Eh wala ka namang sinabing let's go kaya hindi ako sumunod," naka-maang na sabi ko.
Wala naman kasi siyang sinabing let's go eh!
"Damn! Let's go," aniya at hinila ang kamay ko.
"H-Huh? Ang mga gamit ko! Paano ang mga gamit ko?
"Leave your things here. Ibibili kita ng bago. Tsk."
May mga naka-men-in-black ang nasa pinto. Pinagbuksan pa ako nung isang naka-men-in-black ng pinto ng backseat ng limousine kaya pumasok na ako doon. Tumabi na naman sa akin si Jarvis sa backseat at akala mong tuod na naka-upo ng maayos. Samantalang ako ay ang likot ko dahil pinagmamasdan ko ang loob ng limousine.
"Are you crazy or what? Stop moving, I'm going to have an headache because of you," mahabang litanya ni Jarvis.
Ngumuso ako sa kaniya at kumapit sa braso niya, "Nagugutom na ako, gusto ko ng bibimbap," sabi ko.
Malamig ako nitong tinignan at binaba ang harang na nagparte sa sasakyan, "Stop at Korean Resto and buy a bibimpap," makapangyarihang utos nito.
"Yes, Sir," magalang na sagot ni Manong Kuyang Driver.
"Manong Kuyang Driver, damihan mo ha?Nagugutom na kami ni baby eh hihi," sabi ko at humagikhik.
Napatawa naman si Manong Kuyang Driver bago tumango sa akin.
"Kamsa! Maraming maraming maraming salamat hihi," pagpapasalamat ko.
Napa-iling na lang si Manong Kuyang Driver, sinara naman na ni Jarvis ang harang kaya napanguso ako.
"Kinakausap ko pa si Manong Kuyang Driver eh, hmp!" nakangusong sabi ko.
Nanatili naman itong tahimik at hindi umiimik, hindi ba napapanis ang laway niya? Ako kasi hindi ako mabubuhay kung hindi ako magsasalita.
"Woi! Kausapin mo ko! Hindi ba napapanis ang laway mo? Para ka kasing natuod diyan hihi," sabi ko pero tumingin lang ito sa akin ng bored.
Ang sama niya, hmp! Parang wala akong kwenta sa tingin niya, kainis!
"Okay, Eleanor Gonzaga - ew. Ulit, Eleanor walang sure name, talk to your hand ha?Kasi yang katabi mo walang bibig, na-stapler ata yung bibig niya kaya ganun, napipi siya," sabi ko at binubuka-sara ko ang mga daliri ko.
"Can you just shut up in 1 minute? So annoying," irita nitong sabi sa akin.
Umuling ako at ngumisi, "Hindi ako mabubuhay kung hindi ako dadaldal hihi," humahagikgik na sabi ko.
Inirapan lang ako nito at tumingin sa bintana. Tumigil ang sasakyan kaya nagmasid ako sa labas. Lumabas si Manong Manong Kuyang Driver at pumasok sa Korean Restaurant. Waaaah! Bibimbap hihihi!
Maya-maya lang ay lumabas na si Manong Kuyang Driver at binuksan ang pintuan ng backseat kung nasaan ako. Inabot niya sa akin ang bibimbap kaya kinuha ko na iyon. Sinara naman na ni Manong Kuyang Driver ang pinto at sumakay na sa driver's seat bago pinasibad ang sasakyan.