Ngingiti ngiti ako habang nakatingin sa suot kong gown. Ngayon na kasi ang kasal nila Thaddeus at Ariela. Gandang ganda ako sa suot ko. Si Jarvis ay naka-three piece suit. Humagikgik ako at hinaplos ang aking tiyan. Makakakain tayo mamaya ng marami, anak! Inayos ko ang aking naka-trintas na buhok. Lumapit sa akin si Jarvis at niyakap ako mula sa likod saka ako binigyan ng halik sa pisnge. "You excited?" tumango ako. "Yes! Madaming foods doon for sure! Mabubusog ako," ngumiti ako at humarap sa kaniya. Mahina siyang tumawa at inilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Ngumuso ako. "Yeah, there's a lot of food there. For sure, you two will get full." Natapos ang kasalan at masaya ako para sa kanila. Nang nasa reception na kami ay kain lang ako nang kain, minsan ay nilal