Seryoso ako habang nakain ng breakfast. Si Tita ay seryoso din. Hindi niya pinapansin si Tito Travis. Ganoon din ako kay Jarvis. Grabe kasi. Gusto ko na marealize ni Jarvis na mali ang ginawa nila. Hindi man ako ang pinagtaeanan nila pero hindi ko iyon i-totolerate. Masama iyon. "U-uh, Mom. I'm sorry," ngumuso si Jarvis. Hindi siya pinansin ni Tita at nanatiling kumakain si Tita. Kagabi nga ay panay ang pangungulit sa akin ni Jarvis pero 'di ko pinapansin. Hindi man ako ang pinagtawanan niya pero kasi siraulo siya. Sinong nasa tamang pag-iisip ang tatawanan ang ganon? Tsh. "Kasalanan mo 'to, Daddy! Bakit ka kasi tumawa?" si Jarvis na siniko ang ama. "Bakit ako lang? Sabay tayong tumawa, aba." Nag-away pa ang mag-ama pero natigil sila nang padabog na ibinaba ni Tita Felicity ang kaniy