Naka-upo ako sa sofa bed sa opisina ni Jarvis. Si Soda at Junkie ay naglalaro lang sa loob. Susubo na sana ako ng fries pero nahulog iyon dahil nagulat ako sa sigaw ni Jarvis. Nanlaki ang aking mata at tumingin sa kanila. Andito sa loob ang guards at mga empleyado niya na nang-bastos sa akin. Lahat sila ay naka-yuko, ang iba naman ay umiiyak na. Nakakaawa naman sila, siguro deserve naman nila ng second chance. Lahat naman deserve ng second chance e. Lalapit pa lang sana ako sa kanila ng sumigaw uli si Jarvis, "I don't know why they hired all of you. First, I want a person who is kind. Disappointment," si Jarvis na masama ang tingin sa kanila. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at lumapit kay Jarvis. Ang kaninang galit niyang mata ay lumambot. Ngumiti ako at bumulong sa kaniya,