Naka-swimsuit ako na kulay red at naka-cross iyon sa likod. Kitang kita ang cleavage ko sa harapan, medyo lumaki nga ang s**o ko dahil na din siguro sa pagbubuntis ko. Humagikgik ako ng mapatingin kay Freya at Daniella. Ang sexy nila! Naka-white swimsuit si Freya si Daniella naman ay kulay black. "Let's go girls," aya ko. Tumawa silang dalawa. Ngumuso ako habang naglalakad papunta sa pool. Wala pa ay naririnig ko na ang hagikgikan ng mga babae na kasama nila. Nang makapasok ako sa pool ay agad na hinanap ng mata ko si Jarvis, ganun na lang ang pangungunot ng aking noo ng makita kong may kasama siyang babae. Ang babae naman ay hahaplos haplos pa sa dibdib ni Jarvis. Aba! Naglakad ako palapit sa kanila saka umupo sa tabi ni Jarvis kaya napatingin siya sa akin. Sumimangot ako, "Sino si