Chapter 24: Lumapit lalo sa akin yung striper at mas lalo siyang dumikit katawan ko. Halos maamoy ko ang pamilyar na bango niya. Amoy tsokolate... Hinawakan niya ang buhok ko at halos manginig ako sa ginawa niya. Haruy Diyos ko. Si Calvin lang ang nakakagawa ng ganun sa akin. Pero iba naman ang itsura ng katawan ni Calvin sa lalaking 'to? Nakasuot din silang lahat ng don cap kaya hindi ko malalaman base sa style ng buhok. "Mahal?!" Natigilan kaming lahat ng sumigaw si Babes. Nilingon ko si Babes at galit niyang tinanggal ang maskara ng striper na nagsasayaw sa harapan niya. "Mahal naman, eh! Bakit ikaw ang striper?" Agad na tumayo si Babes sa kinauupuan niya at lumapit sa switch ng ilaw. Binuksan niya ito at lumiwanag ang buong unit. Hindi niya pinatay ang disco lights. "Ano? Sino sin