Chapter 12: Bandang alas kwatro ng hapon nang may kumatok sa unit namin. Nagmadali agad akong tumungo sa pinto para buksan iyon dahil nagbakasakali akong baka bumalik siya pero pagbukas ko ng pinto, ibang tao ang naroon. "Hi." Kita kaagad ang malalalim na dimples sa pisngi ni Karlo dahil sa pagngiti niya. "H-hello..." Bati ko pabalik sa kanya kahit hindi siya ang inaasahan kong bumungad sa akin. "Tara na?" Tiningnan niya ang ako mula ulo hanggang paa 'tsaka ibinalik ang tingin sa mga mata ko. At saka ko lang narealize na nakapajamas pa ako, kasi natulog ako ng hapon at halos nakalimutan kong may date nga pala kami. Oh, gosh Pinky! You're so makakalimutin. "Akala ko kasi hindi na naman ulit matutuloy." Ang kaninang nakangiti n'yang labi ay naging seryoso. Nalungkot ang kanyang mg