Chapter 18: Nagising ako sa tabi ni Calvin. Ilang segundo pa akong tulala bago nakapagpasyang lingunin s'ya. Ang lahat ng nangyari sa amin kagabi ay mas naging malinaw sa akin. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o maiinis. Natatakot ako, na baka iwan niya na naman ako. Natural, Pinky. Iiwan ka rin niya kasi may girlfriend siya! Gosh, pumatol ako sa may girlfriend! Konting paawa epek at iyak lang sa akin, bumigay na kaagad ako. Gusto kong pukpukin ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko. Napatakip ako sa aking mukha. Paano na ito, kapag nabuntis ako? Bakit ko ba kasi pinagbigyan ang init ng katawan ko?! Dahan dahan akong bumangon mula sa kama. Hindi ko siya nagising, sinilip ko ang oras sa kanyang side table at alas tres na ng madaling araw. Dali dali kong pinulot ang mga