Napapanood ko kung paano ma-paranoid si Audrey sa tuwing hindi umuuwi ang asawa. Hindi pa sapat ang satisfaction na nakukuha ko sa mga ganoon, kaya naman patuloy pa rin ako sa pakikipaglaro sa mga ito. "Wala na?" takang tanong ko kay Dane. Kasalukuyan kaming nasa casino. Ako ang nagyaya rito, dahil sa pag-aakalang wala si Elordi ay agad itong pumayag. Ito pa nga ang nagsabi kung saang casino ito madalas magpunta. Kaya narito kami ngayon."Maaga pa, Dane." Biro ko rito. Saka marahang nilaro ang hawak na wine glass. Kasama namin si Douglas at Ian noong nakaraang nagpunta kami sa isang casino. Pinalabas lang namin ni Dane na hindi sinasadya ang pagkikita namin at nagkayayaan na lang na magsama-sama habang naglalaro. Malaki rin ang talo nila Ian at Douglas, kaya nauna na silang umuwi noon. Ng