"Are you sure?" tanong ko kay Elordi habang ka-video call ko ito. Nagsisimula na akong mag-ayos habang kausap ito. "Yes. Isama mo ang mga bodyguard mo." Bilin nito. Ako ang inutusan n'yang humarap kay Dane. Abala pa ito sa isang negosyo na inaayos nito kasama ang mga kaibigan nito. "Stand up." Utos nito sa akin kaya naman mabilis akong tumayo. Umikot ako para ipakita ang kabuuan ng damit. "To much skin..." reklamo nito na ikinatawa ko. Hindi ako mukhang makikipag-meeting, mukha akong may date. Sinadya ko talagang ganito ang suutin para sa plano ko later. "May coat naman ako." Pagdadahilan ko rito. Kahit naman may side comment ito regarding sa suot ko ay malaki naman ang tiwala nito sa akin. "Parang hindi meeting ang dadaluhan mo?" nakahiga na ito sa kama n'ya at mukhang plano nan