JULIE Kinabukasan, sinubukan kong mag-concentrate sa training ko. Kahit mahirap at masakit tuwing makikita ko sa loob ng kusina si Cyprus, hindi ko na lang pinapansin ang presensiya niya. Ilang days na lang naman ang natitira at matatapos na 'ko sa OJT ko. At ilang days na rin lang ang natitira para makita at makasama ko siya. And after that, I need to forget him and move on. Nag-focus lang talaga ako sa pagbe-bake. Kapag lumalapit siya at itinuturo sa 'kin ang tamang pagbe-bake, nakatutok lang ang mga mata ko sa ginagawa niya at hindi siya tinatapunan ng tingin. Naging civil at pure trainee-trainor na lang ang naging pakikitungo ko sa kanya. Ewan ko kung nakakahalata na siya, gaya ng pagkakahalata ng mga kasamahan ko dito sa kusina. Kapag wala si Cyprus, binibigyan nila