KAORU Napatitig na lang ako sa sketch pad pagkatapos kong iguhit ang isang taong patuloy na tumatakbo sa isip ko at ang itinitibok ng puso ko. At ilang sandali pa, nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tumayo at inilapag ang hawak ko sa lamesa. Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Nagluto na lang ako ng late breakfast ko. At habang hinihintay kumulo ang tubig bago ilagay ang noodles, muli ko na naman naisip ang best friend ko. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang huli kaming magkita ni Kenshin. Ang huli naming pagkikita ay no'ng naroon ako sa condo niya. Pagkatapos ko kasing kumain no'n, nagpaalam na ako sa kanya. At 'di ko naiwasang mapangiti nang maalala ko rin ang mga guwapong kaibigan niya. Mukhang super close nilang lahat. Kahit na muk