SUMISIKIP ang dibdib ni Zack habang pinagmamasdan niya si Janet na tulala habang nakatitig sa machine na nagpa-process ng can goods. Malaki ang ipinayat nito. Bakit nga ba nakatayo lang siya at tinatanaw ito mula sa malayo? Tiniis niya ito dahil gusto niyang mabigyan ito ng panahon na makapag-isip kung ano ba talaga ang nais nitong gawin sa buhay. Naisip kasi niya, baka dahil sa biglaang pagdating ni Raven ay na-realize ni Janet na kontento na ito sa anak. Pero lalo lang lumala ang sitwasyon. Hindi pa rin pala handa si Janet na magkapamilya dahil hindi nito kayang ibalanse ang atensiyon sa mga taong mahal nito. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya hinabaan ang pasensiya niya kay Raven. Hindi pala dapat siya basta umalis. Nang pumasok si Janet sa opisina ay kaagad niya itong sin