Jhonalyn's POV Buong maghapon lang akong nakahiga sa kama. Paika-ika nga akong naglalakad tuwing may kailangan akong kunin. Kapag pumupunta ako sa banyo at kapag naman magbibihis. Hindi na ako lumabas pa ng kwarto dahil ang sakit pa rin talaga ng katawan ko lalo na ang aking pang-upo na ilang beses pinalo ni Hendrick habang marahas niya akong inaangkin. Isang araw pa ang nakalipas, hindi ko na nakita pa si Hendrick. Hindi siya dumalaw dito sa kwarto ko. Siguro nga abala na siya ngayon, pinaghahandaan ang pagbabalik ng kaniyang nobya. Kung uuwi na ang kaniyang nobya, baka pakakawalan na rin niya ako. Siguro naman hindi niya na ako patitirahin pa dito dahil kapag nalaman ito ng kaniyang nobya, magagalit lang ito sa kaniya at magiging dahilan pa ng kanilang pag-aaway. Napatingin ako