Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Bumaba si Gabriel at ibinigay ang susi ng kanyang sasakyan sa kanyang bodyguard na kasunod lang din nilang dumating. Ngunit hindi pa rin tumitinag si Samantha. Nananatili pa rin siyang nakaupo sa passenger seat. Alangan pa rin kasi siyang sumama rito. "What are you waiting for? Get out of the car,” untag sa kanya ni Gabriel. "Hindi ka pa kumakain ng dinner, hindi ba? I heard your stomach rumbling." Samantha's face instantly turned red after hearing what Gabriel said. It was really too embarrassing! Indeed, she had not eaten anything since morning until now. Maaga siyang nag-ayos at pumunta sa simbahan para sa kanyang kasal. Pagkatapos ay dumiretso na sa villa kung saan siya titira. Bago pa man siya makapagpahinga ay naka