Pagkatapos nilang kumain, gumayak na sila para puntahan ang property ni Gabriel na pagtatayuan nito ng bahay bakasyunan. Kasama nila ang uncle ni Gabriel at apat na tauhan nito saka ang mga assistant ni Gabriel. Nakasuot ang mga ito ng pang hiking na damit kaya medyo nagtaka si Samantha ng makita ang mga ito. Siya kasi ay nakasuot lang ng T-shirt at gray na jogging pants. Iyon ang napali niyang suotin dahil malamig ang panahon. "Hija, sanay ka ba sa mahabang lakaran?" tanong ng uncle ni Gabriel kay Sam. "Depende po kung gaano kalayo," tugon naman ni Sam. "Malapit lang naman kaya lang bundok ang puputahan natin." "B-Bundok? Ano ho ang ibig ninyo sabihin?" nagtatakang tanong ni Samantha. "Nakita mo iyon? 'Yong may tower sa hindi kalayuan? Diyan tayo pupunta," ani nito na nakaturo ang