Kinabukasan, katatapos lang maligo at makapagbihis ni Samantha nang may kumatok sa pinto. 'Yong magiging kasama ni Marco na galing sa agency ang kanyang napagbuksan. "Hi, good morning. My name is Nanette from the Wellcare Agency." "Oh, hello, I'm Samantha. Please, come in." "Ma'am, can I ask something?" tila nahihiyang tanong nito. "Yes, you can." "Ma'am, are you a Filipino?" "Yes, why?" "Ay, salamat naman kung gano'n. Hindi ako masyado mahihirapan mag-English," anito. Natawa naman si Sam sa sinabi nito. "So, Pinay ka rin po pala?" "Opo, Ma'am. Baka sakali lang din ako dito sa Shanghai baka palarin. Mabuti na lang at pinay po pala ang magiging amo ko." "At nagpapasalamat rin po ako sa kababayan ko pala kayo. Siya nga po pala, hindi naman kalakihan itong apartment namin at wala pa