Around 5 to 6 pm, nagising si Sam na kumukulo ang tiyan sa gutom. Naalala niya na hindi pala sila kumain ng tanghalian kanina. Wala na rin sa kuwarto si Gab. Saan siya pumunta? Dahan-dahan siyang bumangon ay bumaba ng kama. Ramdam niya ang pananakit ng katawan dahil sa mainit na pinagsaluhan nila dalawa ni Gabriel. Muli niyang isinuot ang roba niya at lumabas ng kuwarto. Napakunot noo siya dahil wala roon si Gabriel. Kaagad naman niyang tinungo ang banyo upang tingnan ngunit wala ito roon. Baka may pinuntahan lang siya. Aniya sa isip. At dahil wala si Gabriel ay nagpasya siyang maligo na lang muna ulit at magbihis. At habang naliligo ay napatingin siya sa katawan niya. Napangiti siya dahil may mga parte ng katawan niya na may pulang marka. Bigla tuloy sumagi sa isipan niya ang masarap at