Mahigit dalawang oras na siyang nakahiga sa malamig at matigas na kama pero hindi pa rin siya tumitinag. Malalim ang iniisip niya na nag-ugat sa huling tawag ng kapatid.
She is scared for him given that he is within the enemy’s firing range. What if he gets caught? What will happen to him? Will he end up like the rest of the growing piles of bodies of Alcantaras who were tortured and killed afterwards?
She shivered at the thought.
Itinaas niya ang cellphone at sinubukang tawagan uli ang kapatid pero tulad ng mga nauna na niyang attempt, cannot be reached pa rin ang paulit-ulit na sinasabi ng boses sa kabilang linya.
Bumangon siya at hinilot ang sumasakit na ulo bago nagpasyang lumabas para puntahan si Langdon. Nakapagdesisyon na siya. Kukunin niya ang trabaho at magtatago rito habang hinihintay ang muling pagkontak ng kapatid. Kinuha niya ang salamin at isinuot.
Inayos niya muna ang nagusot na pink tee saka umakyat sa second floor. Nahahati sa dalawang parte ang buong lugar. Sa kanan ay nandoon ang dalawang pinto kung saan hula niya ay isa ang study na tinutukoy nito. Ang kaliwang bahagi naman ay ang malawak na balcony.
May mga sofa at silya kung saan nandoon si Langdon, nakaupo, umiinom sa bote ng alak, at nakatingin sa kadiliman sa labas ng bukas na sliding door. Tulad ng mga pagkakataon na nakita niya ang lalake, wala na namang bakas ng kahit na anong emosyon ang mukha nito.
Tuimikhim siya at bantulot na lumapit. Tumingin ito sa kaniya at sinundan ang kaniyang pag-upo sa katapat na sofa habang tangan sa kamay ang bote ng beer.
“You stayed here for hours. I take it as a yes," he broke the silence.
Dinala nito sa bibig ang bote at uminom, hindi pa rin pinuputol ang titig sa kaniya. Napasunod ang tingin niya sa kaunting basa sa labi nito at napalunok.
“Oo. Gagawin ko po ang trabaho,” sagot niya sa medyo malat na boses.
“Good. As I have explained to you, the job is very easy. You just need to type things with full accuracy.” Bumunot ito ng sigarilyo sa bulsa at akmang sisindihan pero ibinalik din nito iyon nang bahagyang matigilan. Sa halip ay inabot ang vape sa center table at humitit mula rito. “But Alcindra, there is one thing you have to know.” His tone suddenly changed into a warning. “If there is a leakage of data and my enemies will have their hands on them, then I will assume that they came from you. In that case," he paused, "I will have to kill you myself. You understand that? Hmm?” Ibinuga nito ang usok na pumaimbulog sa ere na nagsilbing smokescreen sa pagitan nila.
Nanayo ang mga balahibo niya sa batok dahil sa kakaswalan at kalamigan sa tinig nito. It felt like it’s not his first time saying and threatening someone like this. It seemed so natural like it is a part of his daily habit.
Ikinuyom niya ang mga kamao sa paanan ng hita saka matapang na sumagot.
“Naiintindihan ko po, sir.”
He scrutinized her first before he nodded approvingly.
“Hmmm. Very well. That makes you official. You can drop the 'po' and stop calling me sir. Just Langdon. Call me Langdon.”
Tumango siya at maliit na nginitian ang lalake.
“Okay, Langdon.”
May dumaan na kung ano sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag. Mabilis naman nito iyong inalis kaya napaisip siya sandali kung pinaglalaruan lang ba siya ng sariling paningin.
He stood up lazily and tilted his head to the side.
“Come to me in the study.”
Nauna itong naglakad at pumasok sa kaliwang silid. Humugot muna siya ng hangin bago sumunod sa iniwan nitong bukas na pinto. The room is spacious with floor to ceiling empty bookshelves lining the whole of the half of the area. May dalawang desks na nasa magkabilang dulo ng silid na may tig-iisang computer na nakalagay sa ibabaw nito. Sa baba at gilid ng mga mesa ay nandoon ang mga karton na heavily sealed.
“That will be your work area,” turo nito sa mesa na malapit sa bintana.
Nagtungo ito sa isa pang mesa at kumuha ng cutter pagkuwan ay bumalik at hinila ang isang karton at binuksan. Laksa-laksang mga papel na maayos na nakasilid sa mga transparent envelopes ang bumungad sa kaniya. Maingat na kinuha nito ang mga envelopes at inilagay sa mesa hanggang sa maubos ang laman at ang tanging natira sa pinakailalim ng box ay isang black folder.
“All the files in the transparent folders will be scanned while you need to type all the data inside this black folder. Then tell me if you finish them so I can open the other boxes. Maari ka nang magsimula ngayon kung gusto mo. Or you can sleep first. There’s food in the fridge if you want. Feel free to use everything in this house. Hindi kita oobligahin na tapusin agad ang trabaho pero hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito hanggang hindi ka pa tapos.”
He paused to pick up the black folder and set it on top of the desk.
“And one more thing, I don’t want someone stepping into my boundaries.” Nilingon siya nito. “Questions?”
Nagtaas siya ng kamay na parang mag-aaral na magtatanong sa guro.
“Ahm sir, I mean Langdon, may problema po kasi ako. Wala akong damit, walang toiletries, wala lahat kaya pwede bang umuwi muna ako para maka-"
“No,” matigas na tutol nito. “You're not listening. You accepted this job so you will go by with my terms. You can’t. I will call Zheryll to have Andrea get your things for you.”
Napapitlag siya sa pagdagundong ng boses nito. Inilagay niya sa likod ang mga kamay at pinaghugpong ang mga daliri.
“Okay. Thank you,” wika niya sa medyo takot na boses.
Huminga nang malalim si Langdon nang makita ang reaksiyon niya.
“Look, I’m not trying to scare you. I mean no harm, Alcindra. Ganito lang talaga ang boses ko. No need to be jumpy. I don’t beat girls.”
“Wala po iyon. Okay lang po ako. Magsisimula na po akong magtrabaho.”
Akma siyang hahakbang tungo sa mesa pero pinigilan siya nito sa braso. Nahigit niya ang kaniyang hininga sa biglaang daloy ng kuryente sa buong katawan niya dulot ng paghawak nito. Mula sa kamay nito sa braso niya ay naglakbay ang kaniyang mata patungo sa pangahang mukha nito.
“No, give it until the sun rises. Get out and sleep,” utos nito.
Wala na siyang nagawa kundi lumabas at bumalik sa silid na inookupa. Nakatulog siya at nang magising ay mataas na ang sikat ng araw. Nanlaki ang mga mata niya at napabalikwas pero agad ding natigilan nang makita ang sariling luggage na maayos na nakatabi sa may pinto. Hindi niya namalayan ang pagpasok ninuman kanina para ilagay iyon.
She stood up, showered in the bathroom, got dressed, and went out. Gaya kanina ay napakatahimik pa rin ng buong kabahayan. Nagpunta siya sa kusina at binuksan ang ref. Ang parteng ito lang yata ang fully-furnished na.
Kompleto ang gamit mula sa kitchen equipment at utensils. Kumuha siya ng isang canister ng pagkain na may tatak ng isang kilalang restaurant sa Cerro Roca at ininit sa microwave. Matapos kumain ay pumanhik na siya sa taas dala ang nakulimbat na chocolate drink para simulan ang trabaho. Kinagat niya ang straw at maingat na itinulak ang nakaawang na pinto para mapahinto lang nang makita ang natutulog na si Langdon.
Nakataas ang mga paa nito sa mesa at nakahalukipkip. His eyes were tightly shut and his breathing is relaxed. Nakasandig ito sa cushioned chair at naliligo sa banayad na sikat ng araw na naglalagos sa siwang ng mga bintana.
Payapang-payapa ang mukha nito, napakalayo sa gising na Langdon na palaging may pagdududa kung tumingin.
Napadami ang nasipsip niya ng tsokolate kaya nasinok siya. Nang balikan niya ng tingin si Langdon ay naalimpungatan na ito. Gumalaw ito at nagmulat ng mga mata.
Their eyes met and once again, just like all of the times their eyes locked, she felt like being transported to her teenage years to that specific moment when she first met his blue green eyes. Parang tumigil ang lahat. Nabitin sa ere ang kaniyang paghinga at tanging si Langdon na lang ang nakikita niya.
It’s always like this. It’s been like this everytime she gets captive by his eyes.
Nabasag lang ang animo mahika na bumalot sa kaniya nang pumikit ito at pinasadahan ng kamay ang malagong buhok. Ibinaba nito ang mga paa mula sa mesa at tumayo. He looked disoriented at first while staring at her face before he walked towards her.
“G-Good morning, Langdon,” she stammered while greeting him and wearing a big shy smile on the face.
“Hmm,” tanging sagot nito at humakbang na palabas ng pinto matapos siyang titigan na para bang may hinahanap na kung ano sa mukha niya.
His left arm gently brushed against her side as he opened the door so she involuntary step aside.
“Good morning too, Alcindra," she whispered to herself.
Inubos niya muna ang iniinom saka lumapit sa mesa para simulan na ang trabaho.