1

2150 Words
Napasinghap ang lahat kasabay ang bulung-bulungan sa paligid nang lumagapak ang isang matunog na sampal sa pisngi ng isa sa mga panauhang pandangal sa pagtitipon. Natigil sa pagpupunas ng mesa si Alcindra at nilingon ang direksiyon kung saan nanggaling ang tunog. Sa bandang unahan malapit sa kaniyang kinaroroonan nakatayo ang socialite na si Claire Yuson at umuusok sa galit habang nanggagalaiting nakaharap sa lalaking kanina pa niyang tinitingnan magmula pa nang magsimula ang programa. "How dare you cheat on me, Langdon! Wala pang lalaking gumawa nito sa akin!" sigaw nito sabay dampot sa kopita ng wine sa mesa at isinaboy sa mukha ng lalaking walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha. "I'm lucky and honored to be the first, darlin'," he taunted her and continued eating his steak that is now dripping with wine. Balewalang hinayaan lang nitong tumulo ang wine mula sa mukha patungo sa plato. "What?! And you're proud of it?! How conceited of you?! How low of you to f**k a slut! Why her of all women?! She's a f*****g stripper!" Lumakas pa ang bulungan sa paligid dahil sa mga binitawan ng babae. Nagpatuloy naman siya sa pagpupunas pero ang buong atensiyon niya ay nasa eksena na. "Ah, now I know why I liked you. I must have such a wild taste in women. Don't you think it's fair enough 'cause my girlfriend is also a slut?" Nabigla si Alcindra sa narinig kaya natabig niya ang bote ng wine. Mabuti na lang at wala na itong laman kung hindi ay baka makakuha pa siya ng atensiyon at mabistong nakikitsismis lang siya sa kaganapan sa kabilang mesa. "Are you saying that I am a slut, you asshole! You are my first, you pig!" mangiyak-ngiyak na ani ni Claire. Pasimple niyang inilibot ang tingin sa paligid. Lahat ay tumigil na sa pagkain at nakatunghay na lang sa dalawa. Tiningnan niya si Langdon na parang walang anumang sumubo ng karne. His face is still emotionless but his blue eyes have a dangerous speck of light in there. Her eyes traveled down to his wet red buttoned down shirt. Humahakab na sa maskulado nitong katawan ang tela. His clothes were already drenched in the stain but he seemed to not be paying much attention to it. Nagtaas ito ng tingin sa babae at nakangising umiling. Sinuklay nito ang buhok at inubos ang wine sa baso nito at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin. "The only consolation I have is you lost your virginity to me. I got you first in my bed before your brother does. And I taught you how to suck a d**k properly which you generously did to every man you like while we are still in a relationship," walang kaabog-abog na pasabog nito. Tumindi pa ang bulungan sa buong restaurant. Ang ibang guests ay naglabas na ng mga cellphones at nagsimulang i-record ang mga pangyayari. Nanlaki ang mga mata ni Alcindra sa narinig at tinitigan na lang ang binatang wala pa ring emosyon ang mukha. She thought he would get angry given that his girlfriend cheated on him but she can't read anything from his blue eyes aside from the occasional boredom in them. She bet he's actually enjoying dressing down the girl. Natameme si Claire. Nag-apuhap ito ng sasabihin pero walang lumabas na kahit na isang tunog sa bibig nito. She just stood there, red in shame and white in fear. "H-How..." Claire stammered as she tried to piece thing one by one. Langdon threw her the coldest eyes and pierced the steak on his plate in a move that sent everyone in the room in the waiting game. "Sweetheart, I've seen how you do it in your room, in his room, in your car, in his car. It's a mess but what can I do? I don't want to interrupt the two of you. That's how gentleman I am." Tumayo ang binata at pinunasan ang basang mukha pagkatapos ay kinuha ang bote ng wine sa mesa at dahan-dahang ibinuhos sa balikat ni Claire na napakislot na lang sa ginawa ng lalake. She is still in distress after finding out that her boyfriend knew what she's been doing with her own brother behind his back. Dumaan ang mapanganib na kislap sa mga mata ni Langdon nang makitang humakbang papalapit ang bodyguard ni Claire na agad na umatras nang pigilan ito ng isa pang lalaki sa tabi nito. "Sayang ka, Claire. We could have done so many things together but you chose to violate me and my morals. You're now nothing but a rotten high-class meat." "Y-You have no such thing, Langdon." Ngumisi si Langdon at hinaplos ang mukha ng babae. "You should have known that before messing with me. Now I'll be forced to take in your sister," mapanuyang wika nito. Sumilab ang galit at paghihimagsik sa mukha ni Claire. "Not my sister, f**k you!" "I certainly will f**k your sister, Claire in every place we've been, in every corner you've screamed my name." Inabot ni Langdon ang tissue sa mesa at itinapon ito sa paanan ni Claire. "Clean yourself and don't tell your parents about tonight." Tumalikod na ito at natatawang napailing. Alcindra caught the smile and it immediately transported her to the time when she witnessed it for the first time. Pero malayo sa unang ngiti na nakita niya noon ang nasaksihan ngayon. May kapilyuhan mang taglay pero hindi niya makakalimutan ang masasayang mga mata nito, napakalayo sa walang buhay at malupit na ngiti na suot nito ngayon. What happened to you, Langdon Asturia? "Cin, tawag ka ni chef sa loob. Kulang daw ng tao," kalabit sa kaniya ni Janice. "Sige. Sunod ako." Tumango si Janice at bumalik sa pagra-rounds. Nahagip pa ng tingin ni Alcindra ang likod ni Langdon bago ito tuluyang naglaho sa exit door. Bago nito ay nakalapit na ang mga nakaitim na mga security personnel at isa-isang nilapitan ang mga guests na naroon na kanina ay nagre-record sa mga pangyayari. Hinanap niya si Claire pero hindi niya na rin ito makita. Tinapos niya na ang ginagawa at bumalik sa kitchen area ng restaurant kung saan agad siyang hinila ng chef na si Richard patungo sa comfort room. "Señorita, mahigpit pong ipinagbabawal ni Señorito Nathan ang ginawa niyo kanina. Kabilin-bilinan po niya na 'wag kayong hayaan na nakabilad sa maraming tao lalo na at nasa teritoryo tayo ng kalaban. Mainit pa po ang sitwasyon ngayon. Señorita, sana maintindihan niyo ako kung sasabihin kong umuwi na po kayo ngayon din." Nagbaba siya ng tingin at nagbuntunghininga. "I know, Richard. I'm sorry it's my fault. Please 'wag mo na sana itong sabihin pa kay kuya. Ayokong mag-alala pa siya. You know how he's been in the past days. At tama ka, dapat na nga akong umuwi. Thank you and goodnight." Nginitian niya ang dating tauhan na lumambot na ang mukha habang nakatingin sa kaniya. Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit nasa kanila pa rin ang katapatan nito. The Alcantaras had already fallen. Wala na sila sa high society. Bumagsak na sila sa pinakamababang hagdan. Wala na sila sa sirkulasyon ng mga old rich kaya nakapagtatakang marami pa rin sa mga dating katiwala ng pamilya ang nagsisilbi sa kanila kahit wala na silang maipambabayad sa kanila. "Go now." Matapos magpaalam ay kinuha niya ang bag sa quarters at nagpunta sa powder room ng hotel na kinaroroonan ng restaurant kung saan nagtatatrabaho siya bilang dishwasher sa loob na ng limang buwan. Bukas ay aalis na rin siya rito para maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Babalik na naman siguro siya bilang isang ghostwriter para sa isang magazine na iniwan niya para sumabak sa labas ng apartment na pinagkakanlungan nila ng kapatid. Tinitigan niya ang maputlang mukha sa napakalaking salamin. Nanlalalim ang mga mata niya dahil sa puyat. It's a good thing that she seldom get pimples thanks to the genes from her parents. The thought made her eyes water. "No, no, no. It's not the best place to cry," pag-alo niya sa sarili at pumasok na sa cubicle para magbihis. Hinubad niya ang uniform at isinuot ang simpleng t-shirt at pants saka isinunod na isuot ang glasses sa mata matapos kunin ang eye contacts. Nagsuot din siya ng cap para masiguradong hindi siya mamumukhaan. Ginulo niya rin ng bahagya ang buhok para maitago ng iilang hibla ang mukha. Nang matapos ay binuksan niya ang pinto para lumabas na pero natigilan nang makarinig ng kakaibang tunog sa paligid. Agad niyang isinarado ang pinto pabalik at tumuntong sa toilet para hindi makita ang kaniyang paa. She heard the slamming of the door followed by a shushing and then the moans after some sounds of kissing. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi malaman ang mga nangyayari. She might have no firsthand knowledge about it but she knew that the people outside are making out. "Why here of all places," bulong niya. The door to the left of the cubicle opened and two pairs of shoes, one leather while the other is a stiletto, came in. Hindi niya na malaman ang gagawin nang narinig niya ang mga halinghing ng dalawa kaya tinakpan niya ang mga tenga gamit ang mga daliri at pumikit. But despite that, their sounds still reach her. Namumula na siya. Kanina pa niya gustong lumabas mula sa kinaroroonan pero hindi niya magawa. Nahihiya siya kahit wala naman siyang dapat ikahiya. She's not used to this. She's far too innocent to hear and see things like this. As an Alcantara, she was brought up to be wary of propriety, to be always conscious of conduct, and this right here is a public display of scandal. She was traumatized knowing that on the other side of the cubicle is a couple having a noisy s*x. "You're good... Ah... Ah... Harder... Please..." Ibinalik niya ang mga kamay sa tenga na sandaling kinuha para malaman kung tapos na ba sila. "What have I gotten myself into. What is this?" paulit-ulit na pagkausap niya sa sarili sa isip. Nagbilang siya ng hanggang sa isang libo habang pinapakiramdaman ang kabila. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niya na ang panlalaking sapatos na lang ang naiwan sa loob. Naghintay pa siya ng ilang minuto bago bumukas ang pinto ng cubicle at lumabas ang lalake, lumagaslas ang tubig kasunod ang pagbukas-sara ng pinto. Pinahid niya ang pawis sa noo at isinukbit sa balikat ang bag. Namumula pa rin ang mukha na lumabas siya sa cubicle para umuwi na. "Did you enjoy it? Have you finished too?" Naudlot ang tangka niyang paghakbang pagkarinig sa buo at malamig na tinig. Tila slow motion ang lahat sa paligid nang mag-angat siya ng tingin sa lalake na nasa harap ng washing area at nakahalukipkip na nakatitig sa kaniya mula sa repleksiyon ng salamin. It was Langdon Asturia in his signature blue and green eyes in his statuesque height. His nose is still the same aristocratic one, his lips still too red for a guy but this time around without the playful smile. He's still as white as she remembered him to be but his hair... he didn't have the same red highlights on his hair anymore. He's now sporting his natural black hair. He doesn't look like an out of place rebel but one that conquered and won the whole rebellion. His body got bigger with the bulging muscles that his polo shirt failed to hide. He got taller that she looked like a dwarf looking up to a giant. He is definitely the Langdon she always dreamt at night ever since they got driven out of Monte Vega but for some reason, he looked so different from the boy she admired. "W-What?" she answered after continuously blinking to wake herself up. The man stared right into her like she's some questionable creature. "I just got humiliated in front of many guests tonight. I got slapped and thrown a glass of wine. That makes me deserving of at least a good f**k tonight. Don't you agree?" Nablangko siya sa narinig. What was she supposed to answer? Can she tell him that she witnessed it all without being in a compromising position? "I... I didn't," she said thinking if her answer fitted the two questions. Langdon chuckled and opened the faucet to wash his hands. "It's the first time I heard a woman complain about my skills." Nagtama ang mga mata nila sa salamin. "You go out, we're done here," utos nito. "Or you could stay so I could make you finish." Nagbaba siya ng tingin at nanlalamig ang mga palad na lumabas sa CR. Tuluy-tuloy siya hanggang sa parking lot ng hotel at sumakay sa taxi na may kabababa pa lang na pasahero. Doon pa lang niya pinayapa ang sarili at pinakawalan ang pinipigil na hininga kasabay ang pagsilay ng ngiti sa labi. She finally met him again after a long time. She finally met Langdon Asturia, her one and only love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD