The only man AiTenshi Part 33 JAO POV Matapos ang pagtatalik namin ni Pugs ay mahimbing akong nakatulog, dala na rin siguro ng matinding kalasingan kaya halos wala na akong naramdaman pa sa aking paligid. Alas 11 na ng umaga noong ako ay magising hindi ko namalayan na wala na si Pugs sa aking tabi. Pagmulat ng aking mata ay bumungad sa akin ang isang kumpol na pulang rosas. Kahit nahihilo ako ay pilit akong bumangon para kuhanin nito. Dito ay nakita ko ang isang note na naka-ipit sa loob nito. Agad ko itong kinuha at binasa. Nakasulat ang mga katagang.. "Be strong" at "good bye for now" -PUGS Noong mabasa ko ito ay agad ko siyang tinawagan ngunit cannot be reached na ito. Batid kong naka alis na siya pauwi sa Amerika. Malaki na ang pinagbago ni Pugs simula noong maghiwalay kaming d

