The only man AiTenshi Part 11 JAO POV Sa loob ng halos limang araw na pananatili ni Matt dito sa bahay ay naging malapit na agad siya sa amin ni mama. Halos nawalan na nga ng role yung mga kasambahay dahil sa sobrang sipag niya pati ang sala at kusina ay nililinis niya. Pati kotse ni Gio libreng car wash din. Ibang klaseng bata si Matt dahil hindi siya mapagmalaki, naalala ko nga noon isinama ko siya sa mall, dalawang pirasong tshirt na tig 150 lang ang kanyang kinuha natawa ako at binilhan pa siya ng mas marami. Walang problema kay tito Nilo at kay Matt, pareho silang masipag at gawa ng gawa dito sa bahay. Minsan nga ay binibiro ko si mama na hindi yata jowa ang naiuwi niya kundi mag amang helper. Tapos ay tawanan kaming dalawa. "Maganda po ba sa Amerika kuya Jao?" tanong ni Matt hab

