The only man AiTenshi Part 36 GIO POV Ngayon ay nakatingin ako sa larawan ng isang matagumpay na entrepreneur ng bansa. Ginamit niya ang kanyang pagkabigo para siya ay mas umangat at maging successful. Sa kabilang banda ay pinilit ko ring ayusin ang aking sarili. At sa paglipas ng mga buwan ay nagkaroon ako ng matinong trabaho bilang encoder sa aming munisipyo, hindi ko na kailangang umupa ng apartment dahil walking distance lang ito sa aming bahay. Ako na rin ang namamahal sa munting sakahan namin at kahit paano ay kumikita naman ito. Ang sumpa ng nakaraan ay nagbabalik pa rin sa aking isipan kaya hindi na ako pumasok sa kahit na anong relasyon, hindi na rin ako bumibigay sa tukso. Ang lahat ay naging aral sa akin at marami akong natutunan sa mga pagkakamaling iyon. At ang isa sa pin

