The only man AiTenshi Part 23 JAO POV "Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Gio noong makita ko itong nakaupo sa harap ng mesa at nag aayos ng gamit. "Inaayos ko yung gamit natin sa bakasyon. One week tayo doon kaya dinadagdagan ko tong mga damit natin. Saka nga pala dinelete ko na yung account ko sa social media at pinalitan ko na rin yung number ko, yung tayong dalawa lang nakakaalam. Ayoko nang magduda ka sa akin at ayoko na rin mastress ka," ang wika niya. Natawa ako at kinuha ang kanyang cellphone, kinuha ko rin ang aking cellphone at inilagay ito sa isang bag, "wala tayong cellphone for one week. Si Tar na muna ang bahala sa opisina, nagpaalam ka ba kay mama?" tanong ko naman. "Oo naman, si mama na ang nagsabing tagalan natin ang bakasyon," ang wika niya habang nakangiti. Ang tot

