CHAPTER 33 Matulin na lumipas ang mga araw. Namalayan na lamang ni Ariana na nasa ikapitong buwan na siya ng kanyang pinagbubuntis. Through out the past days, Ronniel was always there for her. Hindi nito nakakalimutang ihatid at sunduin siya patungo sa kanyang boutique, maliban na lamang kung may importante itong ginagawa na konektado sa trabaho nito. Lagi na ay nakaalalay ito sa kanya, maging sa mga kakailanganin niya sa kanyang panganganak ay maasikaso ito. Excited na siya sa nalalapit na panganganak. Ngayon pa lang ay may mga ilang gamit na ng bata siyang nabili. And Ronniel was even with her when she bought some of them. Maging ito man ay nananabik na sa kaalaman na ilang buwan na lang ay lalabas na ang anak nila. Kasabay ng paghahanda sa nalalapit niyang panganganak ay naghahanda