DALAWANG oras na ang nakararaan simula nang mapanood ni Georgina at ng kaniyang mga kapatid ang video kung saan pinatay ni Airish ang nag-iisang tauhan na pinagkakatiwalaan ni Wesley. Batid ni Georgina na hanggang sa oras na ito ay dinaramdam ng kaniyang nakatatandang kapatid ang nangyari sa tauhan nito. Maging siya man ay ganito ang nararamdaman, kilala niya si Jane at talagang sa bawat kilos at galaw nito ay palaging pinag-aaralan bago gawin. Matalino at mapagkakatiwalaan. Kaya naman, tunay na malaking kawalan si Jane sa kaniyang kapatid na si Wesley. Ngayon ay mag-isa siya sa kaniyang silid at hindi mapakali. Hindi na siya nagpumilit pa nang sinabi ni Wesley na nais nitong mapag-isa at mag-isip sa loob ng silid nito. Batid niyang masakit para rito ang nangyari at dahil doon ay hindi n

