DAHIL sa estrangherong bampira na naengkwentro ni Erron sa safe house sa CDO ay nagpadagdag siya ng security sa lugar. Curious siya kung ano ba talaga ang pakay nito roon. Wala pang lapastangang nakapapasok sa tiretoryo niya. At ang nakapagtataka ay ang katangian ng bampira na ‘yon. He can transform as bird. He use evil power to use nature. Buong araw siyang nasa academy matapos ang operasyon nila sa labas nang umaga. Naghatid lang naman sila ng essential goods sa mga isla na mayroong safe houses, maliban sa CDO dahil may mga staff siya roon na naghahakot ng mga goods mula sa academy. Pagkagaling niya sa conference room ay dumeretso siya sa kanyang kuwarto. Kaagad siyang pumasok sa banyo at naghubad ng damit. Napatitig siya sa salamin nang mahagip ng paningin niya ang puting anino na tum