“Wala bang hindi magandang ginawa ngayon ang apo sa university?” tanong sa kanya ng Don nang ipatawag siya para tanungin sa unang araw niya sa trabaho. Nabanggit naman ito ng Don sa kanya na kailangan niyang mag-report dito araw-araw para daw alam nito kung ano ba talaga ang ginagawa ni Kenzo sa labas ng mansyon. Ang Don, nakaupo sa likod ng mesa. Ang mga daliri, magkatukod. Ang tingin, hindi kumukurap. “Wala pa naman po akong napansin na kakaiba,” malumanay niyang tugon. Ang mga kamay niya, magkahawak sa harap. Mahigpit. “Eh iyong girlfriend niya… ano nga ulit ang pangalan?” tanong nito. Nabanggit na kasi niya sa report niya sa Don kanina na nakilala niya ang girlfriend ng apo nito. Ang boses ng Don, kaswal lang, pero alam niyang importante ang sagot. “Raven po,” tugon niya. “Sige

