Chapter 21 BIHIRA ako makatanggap ng text mula kay Johann. Somehow, mas gusto ko iyon. Ang huling message niya ay nangangamusta lang. Sa tingin ko ay 'di niya nagets noong tinawag ko siyang Mister ko. Bumalik ako sa pagiging civil sa kanya. Nalilito lang siguro ako. Mainam sa ngayon na iwasan ko muna siya. Baka nadadala lang ako sa espesyal na pakikitungo niya dahil sa gusto niya ko. Matapos ng gawaing bahay ay nagkulong ako sa kwarto. “Ate nasa labas si Kuya Johann.” Nakasilip lang si Adrian sa pinto. Hapon lang naman at parang gusto ko lang ang humilata. Pumikit ako at nagkunwaring inaantok. “Pakisabi masakit ang ulo ko. Gusto ko munang umidlip.” “O..kay.” Iyon lang narinig ko at lumapat na ang pinto. Hindi masakit ang ulo ko pero totoong gusto kong matulog. Gusto kong takasan an