Chapter 23 HALOS gumuho ang mundo ko nang sabihin ng doctor na nagkamild heart attack ang Lola ko. Kinailangan niyang ma-confine sa ospital para maobserbahan. Kaming dalawa ni Adrian ang nagbantay kay Lola. Wala akong tulog buong magdamag para mabantayan ko ang Lola. Ayokong umiyak sa harap ng kapatid ko dahil ayokong ipadama sa kanya ang paghihina ko. Kailangan nila ng suporta at ang pag-iyak ko ay hindi nakakatulong. I scanned my phone kung may tawag o messages ako. I called my aunties na nasa abroad para ipaalam ang nangyari kay Lola. Wala rin akong malaking ipon pampaospital. Kung mag-eextend si Lola sa ospital, lalaki ang babayaran namin. I still have no messages. From anyone. Kinaumagahan ay umuwi muna ako para kumuha ng gamit ni Lola. Ni hindi ko ma-contact si Alee para magpatu