Chapter 26 NAGISING ako sa tunog ng alarm sa cellphone. Inaantok pa ko pero kailangan kong bumangon. Alas-sais ng umaga. Tumayo ako at inayos ang kama pagkatapos ay nag-ayos ng sarili. Inipit ko sa goma ang aking buhok. Pumunta ako sa kwarto ni Lola para tingnan at halikan siya. As usual, gising na siya. Ang katawan niya ngayon ay hindi na katulad ng dati. Nang ma-heart attack siya six years ago, hindi na siya nakapagkalad na uli. Naparalisa ang kalahati ng kanyang katawan. “Good morning, Lola. Kanina pa po kayo gising?” Inayos ko ang kanyang wheel chair at nilagyan ng unan. Ganito ang routine ko araw-araw. Inilalabas ko si Lola para maarawan. Pagkatapos ay magluluto ako ng almusal namin. At aasikusuhin si Adrian pagpasok sa eskwela. Though, palagi niyang sinasabi na malaki na siya at