Chapter 39 HINUBAD ko ang coat niya at inilagay ng maayos sa couch, sa tabi ng bintana niya. Tulog na tulog siya at wala na sa huwisyo pa para magbanlaw man lang ng katawan. Kaunting lapit lang sa kanya ay naaamoy ko na agad ang simoy ng alak niya. Napapangiwi ako kapag tumatama sa ilong ko. Ayoko talaga ng amoy-alak, nabibwisit ako. Nagpadala ako kay Manang ng tubig at plangganita para punasan si Johann. But then, I struggled kung paano ko siya mapupunusan. I sighed. Binuksan ko na lang muna ang butones ng polo niya. Pero para akong mauubusan ng hangin nang makita ko ang matipuno niyang dibdib. Nakita ko na 'to e, ngayon pa ba ako kakabahan? Nagpiga ako ng bimpo at sinimulan na punasan ang mukha niya. He slightly moved nang dumampi ang malamig na bimpo sa pisngi niya pero hindi naman s