PINAHINTO ni Eliza ang bisikleta. Lumingon kay Corbin. “Bilisan mo! Ang bagal!” Bantalutot na sumunod sa kanya ang nobyo. Paano ba naman kasi ayaw nito sa binabalak niya. Nakakahiya raw. Eh, sa gusto niyang makasal sila kahit kunwa-kunwarian lang. May gaganapin na kasal sa bayan. Balak niyang mag-gate crash. Sasabay sila ni Corbin sa seremonya at basbas ng pari. Napaghanda niya ang lahat. Konti lang ang dinala niyang libro at notebook upang magkasya ang belo, puting bestida at barong. May dala rin siyang singsing. All is set. Kailangan nilang maikasal ni Corbin sa araw na iyon! Napasimangot siya. Ang kumag wala yatang balak na makipag-cooperate sa kanya. Paulit-ulit nitong sinasabi kanina pa na hindi nito kaya. Well no choice ito. Siya yata ang kumander! Nang marating nila ang simba
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books