NANG sa tingin ni Eliza ay nakatulog si Corbin ay dahan-dahan siyang humarap dito. Maingat na idinikit niya ang kayang tenga sa dibdib nito upang mapakinggan ang t***k ng puso nito. Napapikit siya nang magmistulang musika sa pandinig ang bawat pintig ng puso ni Corbin. Kaaya-aya sa parimdam ang payapang pahinga nito. Kung sana hindi na matapos ang gabing iyon. Mula high school ay pangarap na niya na makasama ito habang buhay at hindi iyon nagbago hanggang ngayon. Gusto niyang sundin ang puso at maging masaya sa piling ni Corbin ngunit komplikado na ang lahat. Hindi siya nababagay sa katulad nito. Marami ng buhay na kinitil ang mga kamay niya. Hindi na kaya ng kosensiya niya na mabuhay ng masaya. Kunot-noo napatingala si Eliza sa mukha ni Corbin at saka mabilis din ibinalik ang tenga sa