MULA sa madilim na sulok ng isang kwarto ay pinapanood ni Eliza ang pagbibihis ng isang babae – si Tita Donna, half-sister ng kanyang Mommy Diana. Hindi ito direktang involve sa Knives pero alam nito ang lahat ng mga nangyayari. Matandang dalaga na ito. Hindi na nakapag-asawa pa dahil wala yatang balak na humiwalay kay Mommy Dianna. Simula’t-simula ay magkasama na ang dalawa at sobrang close sa isa’t-isa. Sigurado siya na si Tita Donna ang nag-leak ng impormasyon sa Mafia kung saan nakatago ang diyamante. Maliban sa security at ilang tauhan ay ito lang naman ang kasama ng kanyang Mommy Dianna sa malaking bahay. Maingat ang kanyang ina-inahan. Kahit nga siya na tinuturing nito na isang tunay na anak ay nagawa pa nitong paglihiman tungkol sa diyamante. Alam lang niya na hawak nito ang baga