CHAPTER NINETEEN

2583 Words

NANG makarinig ng putok ng baril ay si Corbin kaagad ang unang pumasok sa utak ni Eliza. Alam niya na may misyon ito kaya ito nandoon. Natakot siya sa para sa kaligtasan nito. Sa loob ng maraming taon ay natutunan niya na hindi makaramdaman ng anumang emosiyon. Kailangan iyon dahil sa uri ng trabaho at buhay mayroon siya. Pero sa mga sandaling iyon ay halos mabingi na siya sa malakas na pagtambol ng puso niya. Noon lang niya naranasan ulit na halos hindi makahinga dala ng matinding takot at kaba. Tumakbo siya papunta sa kung saan nanggaling ang palitan ng putok. Gusto niya makita si Corbin kaya hindi na siya nakapag-isip ng tama. Lumiko siya papunta sa railing deck nang hindi man lang nag-iingat. Hindi niya napaghandaan ang paghablot sa kanya ng isang lalaki – pagtingin niya sa mukha nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD