“YOU’LL be mine soon.” “Hindi iyan kailanman mangyayari,” sabi ni Eliza. Hindi siya nagpakita nang anumang emosiyon sa sinabi ni Corbin kahit ang totoo ay naramdaman na naman niya ang pamilyar na pag-eratiko ng kanyang puso. Maraming taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin nagbago ang epekto ni Corbin sa kanya. Pinapakabog pa rin nito ang puso niya. Pero wala na siyang balak na buhayin pa ang nakaraan nila. Hindi na ito nababagay sa katulad niya na may masalimuot na buhay at nabahiran na ng maraming dugo ang kamay. Iyon din ang rason kung bakit ayaw niyang aminin dito na siya talaga si Eliza. Oras na hinayaan niya ito na pumasok sa kanyang buhay ay parang hinila na rin niya ito papuntang impyerno. “Let’s see. Baka kainin mo iyang mga sinasabi mo.” Binigyan niya ito nang isang matalim