LAUNCHING ng XT Thunder128. Isang uri ng sports car na pinakamabilis sa buong mundo. Kasalukuyan na nagtatalumpati ang CEO na si Greg Robinson. Binibida sa mga dumalo ang kapasidad ng naturang sports car. Isa si Eliza sa namangha pero duda siya kung mabibili niya iyon lalo na’t limitado lang ang lalabas sa market at ngayon pa lang ay pinag-aagawan ng mga alta sa syudad. Habang nakikinig kay Greg Robinson ay lihim na nakakuyom ang kanyang kamao sa ilalim ng table. Sa mga oras na iyon ay gusto niya itong akyatin sa entablado at taniman ng maraming bala ang sintido pero kailangan niya maging kalmado. Hindi makakatulong kung galit ang paiiralin niya. Si Greg Robinson ang tinuturo ni Tom Madrigal na boss ng Mafia bagay na hindi niya inaasahan. Malinis ang pangalan at imahe ni Greg. Kilala rin