Hinihila na ako ng antok nang maramdaman ko siyang bumangon at umalis sa aking tabi. Pumasok siya sa banyo at nang lumabas ay lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ako sa aking labi. Akala ko gusto pa niya uli. Baka hindi ko na kayanin. Pagod na pagod na talaga ang katawan ko. Lumayo siya sa akin. Sunod kong narinig ang kaniyang mga papalayong hakbang. Ang pagtunog ng click ng pinto, ang pagbukas at hanggang sa muli itong maglapat pasara. Umalis siya. Umalis na siya. Ibig sabihin ba tapos na siya? Gusto ko na din sanang bumangon at sumunod sa kaniya sa pag-alis dito pero masakit talaga ang katawan ko. Magpapahinga na lang muna siguro ako bago umalis. At saka hindi ko alam kung nasaang lugar kami. Paano kaya ako babalik sa ospital? Kinapa ko ang mga unan. Ang isa ay nilagay ko sa