"Morning," bati ko sa aking kapatid. Nakaupo ito sa harapan ng kaniyang laptop at seryosong gumagawa ng weekly sales report. Nilapag ko ang aking bag sa rack stand na nasa sulok ng opisina. "May sakit ka ba?" tanong niya. Tinigil nito ang kaniyang ginagawa at pinagmasdan ako. Umiling ako. "Wala, napuyat lang ako." Bumuntong hininga ako. Gusto kong matulog pero kapag pinikit ko ang mata ko hindi naman ako dalawin ng antok. Dahil ito sa panaginip ko kagabi. Hinilot ko ang aking sentido. Kailangan ko lang sigurong inuman 'to ng kape para magkaroon ako ng sigla na magtrabaho. "Kumusta pala ang double date niyo kahapon ni Lily?" nakangiti niyang tanong. Tinutok niya ang buong atensyon sa akin at naghihintay na magkuwento ako. "Ayos naman, pero teka alam mo?" Silence means yes. "H

