CHAPTER 14

2344 Words
“UY, BRUHA!  Welcome back!” tili ni Ally pagpasok ni Ada nang gabing iyon. Naabutan pa niya sa reception area na kakuwentuhan nito ang manager nilang si Yoanna.   “Welcome back, Ada.  Kumusta naman ang bakasyon mo?” “Ayos lang.  Masarap na nakakapagod.” “Talagang pinahirapan ka nang husto ni Rozen, ha?” “Rozen?  Sinong Rozen?” tanong ni Ally.  “Si Sir Rozen ba ang pinag-uusapan ninyo?  Bakit hindi ko alam iyan?  Paanong nagkaroon kayo ng ugnayan, Ada?  Bakit ang ganda ko ngayon?” Ngumiti lang si Yoanna.  Tinapik naman niya si Ally.  “Tsaka ko na ikukuwento sa iyo sa day-off natin.  Umuwi ka na.” “I can’t believe you, ADa.  Isang linggo kang nawala tapos malalaman ko na lang na magkasama pala kayo ni Sir Rozen.  Tapos, hindi mo pa ako kukuwentuhan.  Unfair!” “Ally, kailangan pang magtrabaho ni Ada.  Hayaan na lang natin siya.  Anyway, one of these days, siguradong malalaman din natin ang tungkol diyan.  Kahit hindi na magkuwento pa si Ada.”  Makahulugan ang mga ngiti nito sa kanya.  “Kaya iwan na natin siya.” Lihim niyang pinasalamatan ang kanilang nightshift manager.  Tumango lang ito at bumalik na rin ito sa pag-iinspeksyon sa buong Guesthouse.  At siya, heto at nag-iisa na naman sa kanyang boring na buhay.  Kahapon lang siya nakabalik sa bahay niya matapos siyang mag-report kay Reid.  Wala naman itong sinabi kung naniniwala sa kanya o hindi basta ang sinabi lang nito ay makakabalik na raw siya sa kanyang trabaho sa Guesthouse. Tahimik na naman ang buong paligid.  Alas nuebe na ng gabi.  Wala pa ring malaking event na naganap sa Stallion Riding Club kaya payapa ang buhay niya ngayon.  sayang, gusto pa naman niyang mangarag uli.  Para kahit paano ay makalimutan naman niya ang mga katatapos lang na pangyayari sa buhay niya.  Nang umalis siya kahapon sa bahay ni Rozen ay wala ito.  Ang sabi ng mga katulong ay nakipag-debate na naman ito sa mga taga-Sta. Barbara kasama na ng mga negosyanteng nagbabalak magtayo ng kanilang mga negosyo sa naturang bayan.  Hihintayin pa sana niyang makabalik ang binata pero dumating na ang sundo niya galing SRC.  Hindi tuloy siya nakapagpaalam ng maayos dito. Hindi na bale.  Makikita pa naman siguro niya roon si Rozen.  Saka na lang siya magpapaalam ng maayos dito.  Kahit na nga mukhang hindi na kailangan.  Basta lang…O, sige na nga.  Gusto lang niyang magkaroon ng excuse na makita uli niya ito.  Well, anong magagawa niya?  Nagmamahal siya, eh.  At matatagalan pa siguro bago maglaho sa puso niya ang damdamin niyang iyon para kay Rozen. “Good evening!” “Hi!” Dalawang magkamukhang magkamukhang lalaki ang nasa harap niya ngayon.  Paano itong nakapasok doon nang hindi niya namamalayan? “Malayo ang iniisip mo kaya hindi mo na napansin ang pagdating namin.  By the way, we haven’t met yet.  I’m Trigger.” “Ah, finally.  Nakita rin kita,” biro niya saka inabot ang kamay nito.  “Hello, Sir Trigger.  Ah, ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo?” “Wala naman,” sagot ni Jigger.  “Gusto lang naming makipagkuwentuhan.  Wala namang masyadong guests ngayon kaya puwede naman siguro tayong magkuwentuhan, hindi ba?” Ngayong hindi naka-riding uniform ang mga ito ay mas madali na niyang ma-distinguished ang mga ito sa isa’t isa dahil hidni naman pareho ang kanilang mga suot.   “Our sister’s going to have a baby soon,” balita ni Trigger.  “She’s already three months’ pregnant now.” “Buntis na si Diosa?  Wow naman!  Congrats!  Magiging tito na pala kayo!” “Ano kaya ang magiging anak nun, ano?” si Jigger.  “Sana tao.” “At sana hindi galing sa itlog.” Tinawanan lang niya ang kalokohan ng mga ito.  “Kung ako kay Diosa, ngayon pa lang ay magdadasal na akong hindi sana maging tulad ninyong dalawa sa kakulitan ang mga anak niya.” “Hey, what’s wrong with us?  Matino naman kami, ah.” “Oo nga.  Lagi na lang kaming misunderstood.  Daig pa tuloy namin ang drama ni Rodjan.” “E, kasi naman kayo.  Wala na kayong ginawa kundi ang manggulo ng lovelife ng mga tao rito sa Stallion Riding Club.” “Panggugulo ba ang tawag mo roon?  Kung nanggugulo kami, sana lahat ng mga kolokoy na may asawa at girlfriends sa mga club members, kawawang single pa rin hanggang ngayon.”  Nag-high five pa ang mga ito. “Dapat ay gino-glorify nila kami imbes na kinokondena.” “Ayos nga sana ang ginagawa ninyo,” wika niya.  “Pero kadalasan, bago magkasundo ang mga puso ng mga tao rito, sobrang g**o muna ang nangyayari nang dahil sa inyo.” “Kailangan talaga iyon,” katwiran ni Jigger.  “Para naman may thrill ang mga lovelife nila.  Kapag basta na lang kasi nagkasundo sila, napaka-plain ng kuwento.  Dapat may konting spice para mas masaya.” “Ikaw, gusto mo rin bang magka-spice ang ending ng love story mo?” Tiningnan lang niya si Trigger.  Pagkatapos ay ang kakambal nito.  These notorious twins were the last men whom she had noticed before she finally settled her heart with Rozen.  Kung tutuusin, kahit hindi nakikialam ang mga ito, para sa sarili niyang kuwento ng pag-ibig ay nagawa pa ring makapanggulo ng mga ito nang hindi nila namamalayan.  But she had to thanked them for spicing up her boring life before she met with Rozen.  Kung hindi dahil sa kaguwapuhan ng mga ito, baka nagbigti na siya sa sobrang boredom. “Well, Ada?  Willing kaming pansamantalang kalimutan ang pangako namin na hindi na kami makikialam sa mga tao rito.  Para sa iyo.” “Talaga?” “Because you’re special.” “Special?” “Yeah, because you’re poor,” wika ni Jigger.  “Ang totoo ngayon lang kami nakipaglapit ng ganito sa average lang ang daily income.  Hindi naman pala iyon makakasama sa kalusugan.” Imbes na mainsulto ay natawa na lang din siya sa mga ito.  Kinurot niya sa pisngi ang mga ito. “You, two, are really cute.  No wonder nagka-crush ako sa inyo noon.” “Talaga?” “Well, that’s hardly a surprise.  Ganyan talaga kalakas ang charm namin ni Trigger.” Inilabas niya ang kanyang cellphone at inihanda ang camera niyon.  “Puwede bang magpa-picture kasama kayo?  Souvenir lang.” “Souvenir?  Bakit?” “E, kasi baka hindi na kayo makabalik pa rito ng ganitong oras.” “Kunsabagay, hindi ito ang tipo naming lugar sa Stallion Riding Club.  Hey, Trigger, magpa-picture na rin tayo.” “Cool!” And so, with three cellphone cameras on standby, pinagdikit-dikit nila ang kanilang mga mukha para sa isang photo session.  Nagulat pa nga siya nang halikan siya sa magkabilang pisngi ng mga ito.  Sabay-sabay pa nilang pinagtawanan ang kanilang larawan.   “Masyado kaming cute ni Jigger dito, Ada,” wika ni Trigger.  “Burahin mo na lang iyan bago pa makita ni Rozen iyan.” “Oo nga.  Siguradong magseselos iyon.” “Imposible iyan,” wika niya sa mahinang boses.  “Wala naman siyang gusto sa akin.” Nagkatinginan ang mga ito sa isa’t isa.  Tila ba may alam silang gustong sabihin sa kanya pero hindi naman masabi ng mga ito.  Napabuntunghininga na lang ang mga ito. “Sayang,” palatak ni Jigger.  “Kung hindi lang kami nagbabagong buhay ngayon, tinulungan ka na namin sa problema mo kahit walang permiso mo.” “Nila,” singit ni Trigger.  “Problema nila.  Ni Rozen.” “Wala kaming problema.”  She deleted her photo with the twins and turned to them.  “Kumusta na nga pala si Rozen?  Nakabalik na ba siya rito galing Sta. Barbara?” “Matatagalan pa siguro iyon doon.” “Oo.  Napanood ko sa balita na naging mainit ang usapan ng mga negosyante at mga tao roon.  Si Rozen talaga.  Walang kabalak-balak ang isang iyon na bitiwan ang lugar na iyon.  Napakatigas ng ulo.” “Yeah, well, isn’t that why we made a deal with him?  Because he’s such a stubborn a*s?” “Oo nga pala.”  Sabay pang nagtawanan ang mga ito. Minsan, gusto niyang isipin na may pagka-praning na talaga ang dalawang ito.  Ang weird kasi talaga ng takbo ng mga utak. “Do you love him?” Kahit nakapikit, kayang-kaya niyang sagutin iyon ang tanong na iyon ni Trigger.  “Oo.  Pero huwag na sana ninyong sabihin ito sa kanya.  Ayoko ng magulo pa ang buhay niya.  Tama na ‘yung isang linggong nagkasama kami.” “Ano ba ang tama roon?  Ni wala ngang nangyari sa inyo.” “Yeah, you just kissed.  Ano ang mapapala ninyo roon?” Napasinghap siya sa narinig.  “Paano ninyong nalaman iyan?” “Rozen told us.” “What?!” “Yeah, well, sort of.” “Sort of what?” Nagkatinginana na naman ang magkakambal, tila ba nagtatantiyahan kung sino ang magpapaliwanag sa kanya.  Finally, it was Trigger who spoke up. “Nang isara namin ang deal sa Sta. Barbara, nagtanong-tanong kami sa mga kasambahay niya roon.  That’s when we found out about…you know.” Duda siya sa kuwento ng mga ito.  “Iyon lang ba talaga iyon?” Tumango ang mga ito.  Gusto pa sana niyang i-interrogate ang mga ito nang may dumating na mga guests.  From the looks of it, isang rock band ang mga ito base na rin sa kanilang kasuotan at mga instrumentong dala. Isang matangkad na babae ang lumapit sa kanya.  “Five rooms please.” “Is that room for five or five rooms individually?” “Five rooms individually.”  Nilingon nito ang magkakambal na nakamasid lang dito.  “What?” Sabay na umiling ang magkakambal.  Pero hindi niya maiwasang isipin na may kakaiba sa pinipigil na ngiti ng mga ito.  Pagkakuha ng mga room keys ay dumiretso na ang grupong iyon sa elevator. “That’s Nova.  Right, Jigger?” “Yeah.”   “Don’t tell me ang banda niya ang kinuha ni Pipo para sa gagawing proposal kay Annamae.” “Mismo.” “Kilala nyo siya?” singit niya. Nagkatinginan lang ang kambal ngunit walang nagsalita sa mga ito.  Subalit hindi rin mapigilan ng mga ito ang mapangiti.   “Sige na, Sir.  Magkuwento naman kayo tutal ako lang naman ang makakaalam nito.” Lalong lumapad ang ngiti ng mga ito.  And when they’re looking mischievous like that, kahit sinong babae ay matutunaw ang puso sa mga ito.  Pati na rin siya kung hindi nga lang pag-aari na ng iba ang puso niya.   “Next time na lang, Ada,” wika ni Jigger.  “Speaking of which, mauuna na ako.”   “May pakiramdam akong babalik si Nova,” wika ng kakambal nito.  “Let’s wait for her.  Gusto kong malaman ang reaksyon niya kapag na-realize niyang nandito ang lalaking nagkaroon ng malaking atraso sa kanya noon.  This could be fun.” “That’s just too lame, Trigger.  I’m leaving.”  Ilang hakbang na lang ang layo nito sa glass door nang muli itong bumaling sa kanila.  And right now, there was an obvious threat on his smile as he looked back at his twin.  “Don’t try to mess up with me, okay?” Napatingin lang siya kay Trigger.  Inosente ang ngiti nito pero malakas ang kutob niyang parang may iba pang itinatago ang inosenteng ngiti na iyon.  Nilapitan ni Trigger ang kakambal at inakbayan ito. “Come on, Jigger.  I was just kidding.  I know better than to mess up with my twin.” “Good to hear that.   Dahil tandaan mo, ako lang ang nakakaalam kung nasaan na ang dati mong girlfriend na hanggang ngayon ay hinahanap mo pa rin.” “Exactly my point.” Iniwan na siya ng dalawa nagtataka.  Something was really wrong with those two.  Abala pa rin siya sa pag-iisip ng kung ano-ano nang makita niyang bumalik ang babaeng tinutukoy ng magkakambal na Nova. “Nasaan ang dalawang kutong lupang iyon?” “Ma’m?” “’Yung pinagbiyak na arinolang iyon.  Hindi ba’t sila sina Jigger at Trigger Samaniego?” “E…” “I knew it!”  Tinapik nito ang reception table.  “Hinding-hindi ko makakalimutan ang kulugong Jigger na iyon!  Hah!” Magtatanong na sana siya kung ano ang history nito at ng Samaniego twins nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.   “Ada!”  Rozen just entered the Guesthouse lobby. “Rozen?  Anong—“ “What’s the meaning of this?” Pati si Nova ay nakiusyoso sa ipinakita sa kanyang cellphone ni Rozen.  At nakabandera roon ang larawan nilang tatlo kanina.  Inagaw ni Nova ang cellphone at binigyan siya ng masamang tingin. “Girlfriend ka ba ni Jigger?” tanong nito sa kanya. “Excuse me.  I’m talking to her.” “Sino ka ba?” “Rozen Aldeguer.” “Mayor Rozen Aldeguer?” “Yes.” Ibinalik ni Nova ang cellphone sa binata.  “Girlfriend mo ba siya?” turo nito sa kanya. Nagkatinginan lang silang dalawa.  Muling pinalo ni Nova ang kamay sa reception desk. “Kung gusto mo siya, huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa.  Kilala ko ang kamandag ng kulugong Samaniego twins na ito.  They could easily ruin your relationship with the blink of an eye.  Just like they did to me.”  Hinarap nito si Rozen.  “Kaya ikaw, Mayor, hayaan mo na muna ang civil war sa Sta. Barbara.  Pakasalan mo muna ang babaeng ito kung gusto mo siya dahil siguradong sa susunod na maligaw dito ang isa sa hinayupak na kambal na iyon, it will be too late for you.”  Tinapik nito ang cellphone ng binata.  “Hayan ang ebidensya.  Sige, bye.” Hinarap na siya ni Rozen.  “Will you marry me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD