“WHAT ARE you doing?”
Ngiting aso lang ang isinagot ni Ada sa tanong ni Rozen. Itinaas niya ang ginagawang cake. Or at least that’s what she was calling it.
“Para sa iyo ito,” wika niya. “Pampagana.”
“Hindi ako kumakain ng mga expired na pagkain.”
“Expired?” Her temper flared up. Talagang napakalakas mang-asar ng isang ito. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Sayang ang reward points. Remember, malapit na ang Pasko. “Huwag kang patawa, Rozen. Hindi ka naman kalbo. Kaya hindi bagay sa iyo. Anyway, this is my Super Duper Mega Over Delicious Cake.”
“How original.”
Ang reward points, Ada. Ang reward points. “Tikman mo muna bago mo husgahan ang pinaghirapan ko lang namang cake na ito.”
Idinutdot niya ang daliri sa cake at isasalaksak na sana niya iyon sa bibig nito nang pigilan nito ang kamay niya. She was caught offguard, kaya hindi siya agad nakapag-react. Memories of that kiss they shared yesterday afternoon flooded her mind. Uminit ang pakiramdam ng kanyang mukha nang mapadako ang tingin niya sa mukha nito. At makitang nakamasid din pala ito sa kanya. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay subalit hindi siya nito pinakawalan. Bagkus ay tinikman lang nito ang cake sa kanyang daliri. Daig pa niya ang tila mauubusan ng hiningan nang isubo nito ang kanyang hintuturo.
Goodness! She had never this hot before! This guy was a shameless tease!
“Hmm.” He tasted the cake. “Not bad, Ada.”
Not bad. Ngayon ay mas naging malakas ang kutob niyang tinutukso siya nito tungkol sa nangyaring halikan sa pagitan nila. Kaya hindi siya puwedeng magpatalo. Para naman malaman nitong balewala rin sa kanya ang nangyaring iyon. Hah! Ano ang akala nito, hindi siya marunong umarte? Kaya rin niyang lumandi kung kinakailangan.
Dahan-dahan niyang isinubo ang daliri niyang tinikman nito. “Hmm, oo nga, ano? May talent din pala akong itinatago. I told you I’m a gifted child.”
Sapilitan niya itong pinaupo sa silya roon. Pagkatapos ay hinila rin niya ang isa pang silya at doon umupo, ng malapit na malapit dito. She was almost brushing her breast against his arms. Isang beses pa niyang idinutdot ang daliri niya sa cake at ini-offer iyon dito.
“Tikman mo uli, Rozen. Baka kasi hindi pantay ang pagkaka-distribute ng lasa.”
“No, its fine.”
“No, tikman mo uli. Sige na. Teka, kulang pa ito, eh.” Dinampot niya ang tinidor at humiwa ng malaking piraso ng cake at iyon ang ini-offer dito. “Come on, Roz. This is the least thing you can do for kissing me yesterday.”
“Excuse me. I didn’t kiss you. You kissed me.”
“Whatever. Say ‘ah’.”
Ewan niya kung ano ang iniisip nito nang buksan nga nito ang bibig at tanggapin ang malaking piraso ng cake na iyon. Pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga na lang sa kanya ngayon ay makaganti rito. She almost laughed out loud when he choked on his cake.
“Sandali at ikukuha lang kita ng maiinom.” Of course, hindi kasama sa agenda niya ang bigyan ito ng tubig.
Manigas ka riyan! Dumiretso na siya sa kanyang silid para magtago. Kung matutuluyan ito, mas masaya. Hinintay niyang makarinig ng komosyon sa labas pero wala siyang narinig. Idinikit pa niya nang husto ang kanyang tenga sa pinto at baka hindi lang niya naririnig. Pero wala talaga. Kulang yata ang ibinigay niya sa kumag na iyon. Pagkatapso ng ilang minuto at wala pa rin siyang naririnig na ingay, lumabas na siya. Nakasalubong niya si Mariz.
“Wala bang…kakaibang pangyayari rito ngayon-ngayon lang, Mariz?”
“Wala naman. Bakit?”
“Ah…wala lang din. Oo nga pala, nakita mo ba si Rozen?”
“Hindi ba’t magkasama lang kayo kanina sa kusina?” Anak ng teteng! May nakakita sa ginawa niyang malaswang eksenang iyon? “Baka andun pa rin siya.”
Kaya naman sinunod niya ang payo nito. Sinilip niya ang binata sa kusina. And yes, there he was indeed. Naroon pa rin ito sa puwestong pinag-iwanan niya rito kanina. At nanginginain ng cake na ginawa niya. And he seemed to be enjoying it. Hindi niya alam kung maaasar ba o matutuwa sa ginawa nito. Gusto niyang mainis dahil palpak ang pinaghirapan niyang pang-aakit dito. Although…natutuwa rin siyang nagustuhan pala nito ang cake na ginawa niya.
She sighed and went back to the kitched to ransacked the fridge for chilled water. Kinuha niya ang isang pitsel doon at inilapag sa mesa kasama ng baso.
“Uminom ka at baka mabulunan ka.”
He did. Pagkatapos ay tumusok ito ng maliit na piraso ng cake at ibinigay iyon sa kanya. Somehow, his appreciation for that cake seemed to have melted some of her irritation. Kaya kinuha niya rito ang tinidor. Ngunit inilayo lang nito iyon sa kanya bago muling iminuwestra sa kanyang bibig. Natigilan siya.
Gusto siya nitong subuan?!
When she looked at him, his eyes was as sexy as hell as he looked straight at her. At nang mapadako ang pansin niya sa mga labi nito, tuluyan ng bumalik sa kanya ang alaala ng mainit na halik na ipinatikim nito sa kanya kahapon. Naalarma na naman ang sistema niya at nakalimutan na niyang gaganti pa nga pala siya rito. Siya na mismo ang umatras nang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mukha.
Pero gaya pa rin ng dati, nagawa na naman siya nitong mapigilan sa kanyang braso.
“We seemed be doing this more often than necessary. Don’t you think so?” simpleng tanong nito.
“Ewan. Wala akong alam diyan.” Sinubukan niyang bawiin ang kanyang braso ngunit mas malakas ito sa kanya. “Excuse me, puwede pong pakibitiwan na ang braso ko? Braso ko naman iyan, eh.”
Saglit itong nag-isip. Subalit pagkalipas ng ilang sandali, imbes na pakawalan siya ay hinila pa siya nito dahilan upang mapaupo siya sa mga hita nito.
“Hindi ko rin alam kung bakit,” wika nito. “Pero sa unang pagkakataon, hindi ko makalimutan ang isang ordinaryong halik kong iyon sa iyo.”
Ordinaryo? Buwisit talaga ang lalaking ito! Nangigigil niyang kinurot ang magkabilang pisngi nito.
“And for your information,” halos pasigaw na niyang wika rito. “Walang ordinaryo sa halik ko!”
“Ah, so, inamin mo na rin ngang ikaw ang nanghalik?”
“Sa pisngi lang kita nahalikan! At aksidente pa iyon, ‘no!”
“Ada.”
“Don’t call me Ada! Pinagbawalan na kitang tawagin ako sa pangalan ko, hindi ba—“ Napansin niya ang nangingitim na bahagi ng makinis nitong pisngi. “Was that…”
“Yeah, that’s from your punch yesterday.”
“Nangingitim na iyan, ah. Bakit hindi mo nilagyan ng yelo?”
“Nakalimutan ko.”
“Nakalimutan?! Sira ulo ka talaga—“
“Yeah, masyado na kasi akong naging abala sa pag-iisip kung paano akong makakahingi ng paumanhin sa iyo sa nangyari kahapon.”
Her heart was once again caught off-guard. Sinubukan uli niyang kumawala rito at sa pagkakataong iyon, hinayaan na siya nito. Pero hindi rin naman siya lumayo.
“Saan ako puwedeng kumuha ng cold compress?”
He turned to her. Hindi niya alam kung ano na ang iniiisip nito nang mga sandaling iyon. May palagay siyang maganda naman ang mood nito base na rin sa aliwalas ng guwapo nitong mukha.
“Sa taas ng ref,” sagot nito sa wakas. “Naroon ang cold compress na ginagamit namin.”
Madali naman niya iyong nakita. Pagkatapos lagyan ng cube ice at ibinigay na niya iyon dito. She knew she should just leave him and stayed away. Subalit ang nangyari, nanatili pa siya sa tabi nito at nakipagkuwentuhan.
Nasisiraan na nga yata talaga siya ng ulo.
“Masakit ba?” tanong niya. Nagkibit lang ito ng balikat. “Well, you deserved it.”
“I guess I really owe you an apology.” Sumandal ito sa kinauupuan nito. “I’m sorry. I shouldn’t have said those.”
Naghintay pa siya ng susunod nitong sasabihin. Ng susunod nitong ihihingi ng paumanhin. Dahil hinihintay niyang humingi rin ito ng patawad sa ginawa nitong paghalik sa kanya. But he never said anything about the kiss. So was that mean…he wasn’t sorry that he kissed her? Somehow, that seemed so…nice.
“Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa iyo,” pag-iiba niya ng topic. “Doon sa naging tulong mo sa akin nang atakihin ako ng takot ko sa height.”
“You’re welcome.”
“At salamat din dun sa ibinigay mong kape at mamon.”
“You’re welcome uli.”
Tumango-tango lang siya. Hindi na niya mapigilan ang mapangiti. “Kung ganon, I guess pinapatawad na rin kita sa naging kasalanan mo sa akin.”
They were quiet for a moment there. Nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Sa parte niya, hidni niya alam kung ano ang dapat isipin sa nangyayari sa kanila. Magkaaway ba sila nito at ngayon ay bati na? O Stallion boy at simpleng empleyado pa rin ang drama nila?
Maybe it was both.
“Masarap ‘yung cake,” narinig niyang tanong nito. “Ikaw ba ang gumawa?”
“Hindi. Nakitulong lang ako kay Aling Elsa.”
“So, si Aling Elsa na naman pala ang bayani ko. Kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumubula ang bibig ko.”
Napanganga na lang siya rito. “Ang sama mo talaga. Aba, nahirapan din yata ako sa ginawa kong pagtulong sa kanya.”
“Yeah, I can only imagine.”
For now, she could forgive him. Walang lakas ang puso niyang awayin ito nang mga sandaling iyon.
“Kumain ka na?” tanong nito pagkatapos.”
“Hindi pa.”
“Sumabay ka na sa akin.”
“Hindi ba iyon makakasama sa doktrina mo?”
“What? Anong doktrina?”
“You know, ‘yung ang mga mabababang uring tulad ko ay hindi dapat nakikipaglapit sa isang tulad mo.”
“Nagha-hallucinate ka na naman.”
Tinawag na nito ang mga katulong at nagpahanda ng makakain. Iyon ang unang pagkakataon na ito mismo ang bumali sa sarili nitong batas.
And she was glad that he did.