Thirty "Tita, si Rein po?" seryoso kong tanong sa Mommy ni Rein na s'ya na lang inabutan kong gising. "Pasok ka, hijo," ani ng ginang. Mabilis naman akong pumasok at ako na rin ang nagsara ng pinto. "Puntahan mo na lang sa kwarto namin. Hijo, malaki ang tiwala namin sa 'yo. Alam kong hindi madali ang set up ninyong dalawa. Pero hihilingin ko lang na sana ay kahit na anong mangyari ay s'ya at s'ya pa rin ang piliin mo. Alam kong alam mo ang secret ko. Kaya cold ang pakikitungo mo sa akin. Pero sana hindi mo maibunton kay Rein 'yong galit mo dahil sa nagawa ko kay George. Naiipit lang ako sa gitna. Hirap na hirap sa posisyon ko ngayon." Bumuntonghininga ako. Alam ko kung gaano ka-unfair ang ginang. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kahit pa gaano ito katakot na masira ang f