"Precious Pearl?" gulat na ani ko nang pumasok kami ni Landon sa office ng director. Malawak ang ngiti ng babae na tumayo at excited na lumapit sa akin at niyakap ako. "Ako nga po…" ani nito na iginiya ako paupo sa couch. Mas naging magaan ang ambiance ng office ng foundation. Kaya naman magaan din ang loob kong pumasok. "Ikaw na ang bagong director?" manghang ani ko rito. Gulat na gulat lalo't kanina ko pa sinisimangutan si Landon. Niyaya ako nitong magpunta rito sa San Ildefonso Kalinga Foundation para bisitahin ang lugar. Ang unang pumasok agad sa isip ko ay baka gusto nitong ipa-lollipop na naman ang malaking alaga nito sa director ng foundation na si Director Janelski. Pero dahil mahusay mangumbinsi ang lalaki ay pumayag ako. "Sa akin po ipinagkatiwala ang pangangalaga sa founda