Thirty-three "May problema ka ba?" pukaw ko sa atensyon ni Landon. Tulala itong nakatitig sa akin. Parang ang lalim nang iniisip nito habang ang focus nang tingin ay sa akin."Kulot!" pukaw ko sa atensyon nito. Waring natigilan pa ito saka bahagyang ngumiti sa akin. "S-orry." Bumuntonghininga ito saka ginagap ang kamay ko. "Anong problema? Tell me---" pero mabilis ko rin naitikom ang bibig ko. Ako nga hindi masabi rito ang problema ko tapos may lakas pa akong sabihin iyon dito. "Hug me, please!" pakiusap ni Landon sa akin. Nandito na naman kami nito sa kanyang condo. Mabilis akong tumayo at umupo sa lap nito paharap sa kanya. Saka yumakap dito. Marahan kong minasahe ang batok nito. Tahimik lang kami sa ganoong pwesto. Parehong nakahanap ng comfort sa yakap ng isa't isa. Panay an